Friday, March 17, 2017

BALADERYANG SAMUT-SARING KURIDO

Hayaan mo akong ipinid ang ganti ng aking diwang naglalayag
sa isang masaklap na ingganyo ng isang Diwata
ako'y napailing,nautal habang ako'y nakatitig
sa kanyang buong kariktan at kasingkal ng panid ng kanyang
alindog ay tila baga nanghihigop
sa aking buong pagkatao.


Saang ibayo ba pwedeng magpahinga
itong pusong nauuhaw,nababalahaw
sa kagyat ng isang dalagang pakiwari ay Diyosa sa Ilog
o sadyang matalinhaga ang mundo na ang lalim nito'y
isang gabundok na palaisipan sa aking linghod na pag-unawa
sa mundong aking ginagalawan!


Tiisin kong mabilanggo sa dako paroong di ko alam
sa puso niya ako'y isang mabunting bilanggo na nanghihingi ng awa
na ako'y bigyan kalayaan
sa pagkakagapos,sa pagpinid ng imahinasyong malalim
pa sa dagat Pasipiko
matingkad pa sa sikat ng Haring Araw
o pag-ibig bat ayaw mo akong hawiin sa isang lugar
na kong saan ako'y malaya,ako'y mapayapa
itong ingos ng puso'y kailan man mananatili
habang ikaw irog sa puso ko'y lumalagi!

No comments: